Monday, August 12, 2013

Estudyante. Nag-aaral Ba ng Mabuti?

                          Edukasyon. Ito daw ang ng-iisang kayamanang maipapamana ng mga magulang sa kanilang mga anak na di maagaw o mananakaw ninuman. Nagsisikap ang  mga magulang upang ang kanilang mga supling ay mapag-aral, mapagtapos, nang sa gayo'y magkaroon ng disenteng trabaho at magandang kinabukasan. Kaya kailangan magsumikap tayo upang masuklian ang kanilang pagod at sakripisyo upang tayo ay mapag-aral man lamang.

                                 Isang napakahabang paglalakbay nga na maituturing ang pag-aaral at yaong umaabot sa rurok ng tagumpay ay siyang nagsikap, nagtiyaga at taglay ang dedikasyong makamit ang inaasam-asam na tagumpay. Ngunit kung ating susuriin, hindi lahat ng mga estudyante ay patungo sa tuwid na daan. Minsan ang iba'y naliligaw ng landas. Sila ang mga estudyanteng mapag-panggap. Umaalis ng bahay suot ang uniporme ng isang kilalang unibersidad, subalit kung iniisip mo na sa paaralan ang tungo nila ay nagkakamali ka! Marami. Hindi lamang ilang ang mga mag-aaral na iisa ang gawain. 

                                Ang iba ay nagbubulakbol. Ang iba ay naaadik sa mga computer games at social networking sites, kaya saan ang diretso? Sa computer shop sa halip na sa paaralan. Ang iba naman ay sa barkada ang punta  upang sila ay magkita-kita. Hindi ko sinsabi na masama ang magbarkada ngunit kailangan natin itong piliin. Mga barkada na makakapag-impluwensya sa atin ng tama at hindi ng makapagpapasama sa atin. Kaysa naman sa barkadang hatid sa iyo ay bisyo, gulo o anumang bagay na sa tingin mo'y makakasia sa iyong pag-aaral. Kaya pili-pili din ng barkada pag may time.  :)

                                  Ngunit naisip ba natin sa ating paglalakbay ang tuwang maibibgay natin sa ating mga magulang sa panahong marating natin ang tagumpay . Lubos na saya marahil ang kanilang mararamdaman kasabay ng pagmamalaking "Anak Ko Yan"!. At hindi rin mapapantayan ang kanilang ligaya kung sa tingin nila na ang kanilang pinagpaguran at pinaghirapn ay may sukling magandang kinabukasan para sa kanilang mga anak.

                                    Kaya naman sa ating mga estudyante, marapat nating taglayin ang dunong na ipinagkaloob sa atin. At sa pag-aaral natin ng mabuti ay tiyak na lalawak pa ang ating kakayahan at katalinuhan. Upang sa panahon ng pakikipagsaplaran sa tunay na mundo ay may sandata tayong gagapi sa ating mga kalaban . Ano pa ba ang dapat nating gawin? Ito ay ang i-enjoy ang pagiging estudyante at ang buhay estudyante. Huwag nating hayaang madaig tayo ng katamaran at laging isipin sa tuwing gagawa ka ng research,project o thesis ay "kaya ko to! Tiwala lng", dahil ito ang tutulong sa ating  mahasa pa ang ating kaalaman at katalinuhan. Nang sa iyong paglalakbay ay may pagmamalaki mong iabot ang iyong bayad kay manong driver at sabihing ''Bayad po! Estudyante. Nag-aral ng Mabuti".


-The Papyrus
     - John Michael C. Rongaleros 
             AB journalism 1-1